-- Advertisements --

Hindi naging matagumpay si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa World Indoor Championships sa Glasgow, Scotland.

Nagtapos lamang ito ng pang-siyam na puwesto sa 11 kalahok matapos na mabigo sa podium finish.

Nagtamo siya ng 5.65 meters ang clearance niya na siyang pinakamababa mula ng makuha niya ang 5.60 meters sa Switzerland outdoor event noong 2023.

Sinabi nito na hindi nagtagumpay ang mga tsansa kung saan tanggap nito ang nasabing resulta.

Pagtitiyak niya na babawi ito sa mga susunod niyang torneo kasabay din nito ay pinasalamatan niya ang mga nanood at sumuporta sa kaniyang laro.