-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong Asian pole vault record si Filipino Olympian Ej Obiena.

Ito ay matapos madomina niya ang Bergen Jump Challenge sa Norway.

Nakamit kasi ng world number 3 pole vaulter ang best clearance ng 6 meters na minsan lang niya nagawa.

Dahil dito ay nahigitan niya ang 5.94 na record na kaniyang nagawa sa World Athletics Championships sa Oregon, USA noong Hulyo 2022.

Pumangalawa si KC Lightfoot ng US matapos na dalawang beses niyang natapos ang nasabing event.