-- Advertisements --

Labis umano ang pagkadismaya ng Pinoy Olympian at pole vaulter champion na si EJ Obiena matapos kumpirmahin na kinapitan siya ng COVID-19.

Inanunsiyo ni Obiena na dalawang malalaking kompetisyon na hindi siya makakasali.

Ayon kay Obiena, hindi na siyang makakahabol pa sa Oslo Bislett Games sa Norway na magsisimula ngayong June 16 at sa Meeting de Paris na gaganapin naman sa France.

Sa ngayon aniya ay naka-quarantine si Obiena sa Formia, Italy kung saan doon din siya nagti-training.

Umaasa naman si EJ na makakabalik na siya sa torneyo sa June 30 sa Sweden.

Ang 26-anyos na pole vaulter ay hawak ang ASEAN record.

Kung maalala kamakailan lamang sa ginanap na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ay binasag niya ang dating record at matagumpay din na nadepensahan ang korona.