-- Advertisements --

Nanawagan si Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ng pagtatapos ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Isinagawa nito ang panagawan sa talumpati niya sa pagsisimula ng World Leaders Summit sa COP27 United Nations Climate Conference.

Sinabi nito na nakakaranas din ang kahirapan ang buong mundo dahil sa nasabing giyera.

Hinikayat din nito ang kapwa lider ng bansa na dapat ay gumawa rin ng hakbang para matulungan na matuldukan na ang nasabing giyera sa dalawang bansa.

Ginaganap kasi ngayon sa Sharm El-Sheikh, Egypt ang UN Climate summit kung saan dinadaluhan ito ng nasa 200 bansa.