-- Advertisements --
image 93

Iginiit ni Department of National Defense Secretary Gilbert Teodoro Jr. gagamitin lamang para sa pag-depensa ng Pilipinas ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sites.

Ipinunto din ng kalihim na maraming mga bansa ang makikinabang sa Pilipinas kapag ito ay malaya at may malakas na ekonomiya na hindi matatamasa nang walang defense capabilities.

Kung kayat umapela din ang DND chief ng tiwala mula sa ibang mga bansa na hindi makikialam ang Pilipinas sa kanilang mga isyu kasabay ng pakiusap na huwag akusahan ang ating bansa na gagamitin lamang para sa agenda ng ibang mga bansa dahil ito aniya ay nakakainsulto sa talino at karangalan ng Pilipino.

Matatandaan na nag-ugat ang naturang isyu matapos na palawigin pa ng Pilipinas ang EDCA sites.

Kung saan sa ilalim ng EDCA na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika noong 2014, pinapayagan ang mga sundalong Amerikano na magkaroon ng access sa itinalagang military facilities sa bansa upang makapagtayo ng mga pasilidad at preposition ng equipment, aircraft at vessels.