-- Advertisements --

Nagwaig ang British singer na si Ed Sheeran sa copyright case.

Base sa desisyon ng Manhattan federal court na walang ebidensiya na ninakaw ng singer ang mga elemento ng kanta ni Marvin Gaye na “Let’s Get It On” para sa 2014 hit song nito na “Thinking Out Loud”.

Nagsampa ang kampo ng namayapang singer ng copyright infringement laban sa singer, Warner Music Group at Sony Music Publishing.

Sinabi ni Sheeran na sakaling mapatunayan na ito ay guilty ay titigil na ito sa paggawa ng mga kanta at hindi na ipupursige ang singing career nito.

Matapos na mailabas ang desisyon ay niyakap ng singer ang mga abogado nito.

Noong isinagawa ang pagdinig ng kaso ay kinanta pa ng singer ang nasabing kanta gamit ang gitara.

Magugunitang noong nakaraang taon din ay nagwagi ang singer sa copyright case sa High Court sa London dahil sa 2017 hitsong nitong “Shape Of You”.