-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang singer na si Ed Sheeran sa kaniyang fans dahil sa biglaang pag-kansela ng kaniyang concerts sa Nevada.
Isinagawa nito ang kanselasyon ilang oras bago ang nasabing show.
Lumabas kasi sa inspeksyon ng kaniyang crew na hindi ito pumasa sa safety quality kaya napilitan nilang kanselahin ang show.
Inilipat na lamang ang petsa ng show sa darating na Oktubre 28.
Nilapitan ng lamang ng singer ang kaniyang mga naghintay na fans at personal na itong humingi ng paumanhin.
Nagpost na rin ang Grammy-winning musician sa kaniyang social media bago ito magperform sa Allegiant Stadium sa Las Vegas.
Maraming mga fans naman ang nadismaya dahil sa naghintay sila sa tirik na araw kung saan ilan sa mga dito ay nagkasakti.