-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na papalawigin pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa lungsod.
Ayon sa alkalde, iiral ang enhanced community quarantine sa buong lungsod ng hanggang Abril 26 at hindi na sa Abril 19.
Dahil dito ay mananatiling sarado ang mga borders ng lungsod maliban na lamang sa biyahe ng mga essential goods at kung may emergency.
Maging ang mga paliparan at pantalan ay mananatiling sarado hanggang sa matapos ang enhanced community lockdown.
Ayon sa alkalde, pinalawig pa nila ang lockdown matapos na madagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa kanilang lungsod na sa ngayon ay pumalo na sa 96.