-- Advertisements --
Natapos na ang kampanya ni Filipino young tennis star Alex Eala sa WTA Thailand Open.
Ito ay matapos na talunin siya ni Tatjana Maria ng Germany sa score na 6-2, 6-2 ng round 32 sa Hua Hin, Thailand.
Nagtamo ng limang double faults si Eala sa laro na ginanap na isang oras at 10 minuto.
Mayroong pitong perfect aces na naitala ang 25-anyos na ranked 63 player.
Magugunitang unang nabigo si Eala sa opening round ng 2023 Australian Open at sa second round ng W60 Canberra tennis championship.