-- Advertisements --

Handang-handa ang pagsabak sa Australian Open qualifiers ni Filipino tennis sensation Alex Eala.

Makakaharap nito ngayong araw ang dating Top 30 player na si Misaki Doi ng Japan.

Nasa ranked 215 ng Women’s Tennis Association (WTA) ang 17-anyos na si Eala habang ang 31-anyos na Japanese veteran na dating ranked 30 noong 2016 ay ranked 172 na ngayon.

Umabot sa pang-apat na round ng Wimbledon noong 2016 si Doi at siya ay dalawang beses na nagwagi ng WTA 125 Series titles sa San Antonio at sa Bastad.

Ayon kay Eala na labis siyang nasasabik sa laban at handa niyang gawin ang makakaya para magwagi sa laban.

Sinabi naman ni tournament director Craig Tiley na magiging mahigpit ang labanan sa Australian Open qualifying dahil ang mga manlalaro ay tinaguriang “stars of the future” na naglalaban sa 16 na spots sa men’s and women’s main draw.

Magugunitang nagkampeon si Eala sa 2022 US Open Juniors singles.

Bukod pa dito ay nagwagi rin siya sa girls’ doubles slam titles ng 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros.