-- Advertisements --
Handang-handa na si Pinay tennis star sa kauna-unahang pagsabak niya sa French Open.
Sa isinagawang draw ay makakaharap nito sa first round si Emiliana Arango ng Colombia.
Ang 24-anyos na si Arango ay isang right-handed tennis player at siya ay nasa ranked 88.
Kumpara kay Eala na nasa ranked 69 ay nagkampeon si Arangao ng tatlong singles titles sa ITF Circuit.
Sakaling magwagi si Eala sa first round ay may posibilidad na makakaharap niya si Qinwen Zheng ng China na maaring rematch noong 2023 Asian Games women’s tennis singles kung saan nabigo ang Pinay tennis star.
Gaganapin ang laban ni Eala sa Mayo 25 ng ala-singko ng hapon.