-- Advertisements --

Ginulat ni Pinay tennis player Alex Eala si dating world number 5 at French Open finalist Sara Errani ng Italy sa qualifiers ng Miami Open 2024 sa Hard Rock Stadium sa Florida.

Nakuha ni Eala ang 6-3, 6-1 na puntos laban sa 20th seeded Italian para makaabanse ito sa final qualifying round ng WTA 1000 event sa unang pagkakataon.

Ang 36-anyos na si Errani ay ranked 97 ng WTA habang si Eala ay may career high na ranked 171.

Susunod na makakaharap ni Eala si Emiliana Arango ng Columbia na ranked 123.