-- Advertisements --

Bigo ang Pinay tennis star na si Alex Eala na makapasok sa semifinals ng Suzhou Open matapos matalo kay Viktorija Golubic ng Switzerland sa isang dikit na three-set match.

Nakuha ni Eala ang unang set, 6-2, ngunit bumawi si Golubic sa ikalawa, 6-2, at tuluyang nanaig sa tiebreak ng ikatlong set, 7-6(0).

Bagamat nakalamang si Eala sa huling set, nagpakita ng composure si Golubic sa mga kritikal na sandali.

Ito na ang ikatlong sunod na three-set match ni Eala sa torneo.

Sa kabila ng pagkatalo, ipinamalas ni Eala ang tapang at husay laban sa mas beteranong kalaban, bagay na umani pa rin ng paghanga sa mga fans, maging sa ilang kilalang sports analyst.