-- Advertisements --
Pasok na semifinals ng WTA 250 Guangzhou Open si Alex Eala at Nadiia Kichenok ng Ukraine sa women’s doubles.
Tinalo ng dalawa sina Polina Kudermetova at Kamilla Rakhimova sa score na 6-3 at 7-5 sa laro na tumagal ng isang oras at 17 minuto na ginanap sa Nansha International Tennis Center sa China.
Hindi pa rin nagbago ang chemistry nina Eala at Kichenok kaya nadomina nila ang kanilang mga katunggali.
Susunod na makakaharap ng dalawa ay sina Katarzyna Piter ng Poland at Janice Tjen ng Indonesia.















