-- Advertisements --
Screenshot 2020 08 29 12 06 00

NAGA CITY – Isinapubliko na ni Naga City Mayor Nelson Legacion ang e-Salvar, ang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) contact tracing app na gagamitin sa lungsod ng Naga.

Ayon kay Legacion, mabisa at epektibo ang nasabing contact tracing app para mas mapabilis ang pagtukoy sa mga taong posibleng nakahalubilo ng isang positive COVID-19 patient.

Ang naturang application ay bunga ng pinag-isang pwersa ng LGU-Naga, katuwang ang Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) na layuning mas maging epektibo at mabilis ang pag-contact trace sa loob ng lungsod.

Sa ngayon ayon sa alkalde, puwede nang magsimulang magrehistro at mag-generate ng kanilang unique QR Code ang publiko sa pamamagitan aniya ng pagbisita sa www.esalvar.com.

Nakatakdang magsimula ang operation ng naturang contact tracing app sa darating na Setyembre 1 sa lahat ng establisyemento sa lungsod.