-- Advertisements --

Muling inihain ni Duterte Youth party-list Representative Drixie Cardema ang House Bill No. 1253 kung saan isinusulong ang pagpalit sa pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa Manila International Airport.

Sa explantory note ng nasabing panukalang batas ang pangalan ng airport o paliparan ay hindi dapat na-politicized.


Ayon kay Cardema, ang nasabing HB1253 ay kaniya ng inihain nuong 18th Congress subalit pending ito sa Committee on Transportation.

Magugunita na naghain din ng panukalang batas si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr ang pagpapalit sa pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Ferdinand E. Marcos International Airport dahil sa panahon ng administrasyon ni late president Marcos na improved ang nasabing facility.

Depensa ng mambabatas na hindi niya ito ginawa dahil kay PBBM at sinasabi lamang niya ang totoo.

Sa panukalang batas ni Teves, sinabi nito na nararapat lamang na ipangalan ito sa Presidenteng nag construct nito.

Subalit pinabulaanan naman ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang pahayag ni Teves dahil ang international runway at ang associated taxiway ay sinimulan nuong 1953, habang ang control tower ay nakumpleto nuong 1961.