-- Advertisements --
Nakakuha ng panibagong record-high net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa second quarter ng 2019.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS), 80 percent ng mga pilipino ang satisfied sa performance ni Pangulong Duterte.
Tanging 12 percent lamang ng mga Pilipino ang “dissatisfied” sa performance ng Punong Ehekutibo habang siyam na porsiyento naman ang nagsabing sila ay undecided.
Nangangahulugan lamang ito na mayroong net satisfaction rating si Pangulong Duterte na +68 na maituturing na “very good,” ayon sa SWS
Ang rating na ito ay kanya ring bagong personal record-high, matapos na malagpasan ang dati niyang record na +66 noong Marso ng taong kasalukuyan at noong Hunyo 2017.