-- Advertisements --
Duterte LGBT

Nagpa-party si Pangulong Rodrigo Duterte sa sektor ng Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender (LGBT).

Isinagawa ang nasabing thanksgiving gathering sa Heroes’ Hall sa Palasyo ng Malacañang kagabi.

Isinabay na rin sa okasyon ang panunumpa ng national officers ng LGBT Pilipinas na pinagungunahan ng chairperson nitong si Faustino “Bubsie” Sabarez III at pinangasiwaan mismo ni Pangulong Duterte.

Sa mensahe ng Pangulong Duterte sa LGBT group, inihayag nito ang kanyang suporta sa kanilang hanay na nangangailangan umanong kilalanin na rin ng lipunan.

Marapat din umanong ipagkaloob ang dignidad sa mga ito bilang kapwa tao na kailangan ding maproteksyunan.

Ibinahagi rin ni Pangulong Duterte ang kanyang paglagda kamakailan sa isang Executive Order (EO) na lumilikha sa Inter-Agency Committee on Diversity and Inclusion.

duterte bong lgbt