Handa umano si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangangasiwa ng tubig.
Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa gitna pa rin ng isyung kinahaharap ngayon ng Maynilad at Manila Waters.
Sinabi ni Pangulong Duterte, huwag siyang tinatakot ng mga ito na mawawalan ng tubig sa oras na umalis na ang mga water firms dahil maaari naman niyang hayaan ang militar na magtake-over.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang kausapin ang mga ito at kay MWSS Administrator Gen Emnanuel Salamat na raw sila makipagusap habang tututukan naman niya ang mga ihahaing kaso laban sa mga ito.
Iginiit ng pangulo na kung hindi magkaintindihan ang magkabilang panig, economic plunder ang isasampa niya sa mga ito at wala itong piyansa.