Hinimok ng broadcaster at senator-elect na si Raffy Tulfo si Pangulong Rodrigo Duterte na parangalan ang pagpanaw ng beteranang aktres na si Susan Roces sa pamamagitan ng pagdedeklara sa kanyang libing bilang isang “pambansang araw ng pagluluksa” o “national day of mourning.”
Inirekomenda rin ni Tulfo na kilalanin si Roces bilang isang pambansang artista pagkatapos ng kamatayan.
Si Tulfo, sa ngalan ng kanyang pamilya, ay nagpaabot din ng kanyang pakikiramay kay Senator Grace Poe at sa mga “nagmahal at sumamba” sa yumaong aktres.
Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay ang Malakanyang sa pagpanaw ng beteranang aktres.
Sa pahayag na inilabas ni Sec. Martin M. Andanar, Presidential Communications Secretary and Acting Presidential Spokesperson, ipinaaabot nito ang kanilang malalim na pakikiramay sa pamilya, mga mahal sa buhay, malalapit na kaibigan at kasamahan sa pagpanaw ni Jesusa Sonora Poe o mas kilala bilang Susan Roces.