-- Advertisements --

Kung si House Majority Leader Martin Romualdez ang tatanunging, ang “Duterte-Duterte” tandem ang siyang “dream team” para sa mga Pilipino pagdating sa presidential at vice-presidential elections sa 2022.

Ginawa ni Romualdez ang naturang pahayag matapos na ilabas ng Pulse Asia ang resulta ng kanilang survey na nagpapakita na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang siyang nangunguna sa presidential race kasama ang kanyang ama, na si Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa top spot naman sa vice-presidential post.

Ang resulta ng survey na ito ay “validation” aniya sa kumpyansa at satisfaction na rin ng brand ng public service ng mga Duterte, ayon kay Romualdez.

Kaya naman inaasahan pa ng kongresista na lalo pang tataas ang numero ng tandem na ito matapos na magpahayag kamakailan ang alkalde ng lungsod ng Davao na siya ay bukas sa pagtakbo sa presidential polls sa susunod na taon.

Sa kay Pangulong Duterte, sinabi ni Romualdez na hindi na nakakagulat pa kung sakali mang dadami pa ang bilang ng mga tagasuporta nito para sa pagka-bise presidente.