-- Advertisements --

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga indibidwal na ginagamit ang kanyang pangalan at ng mga miyembro ng kanyang Gabinete para makakuha ng kontrata sa pamahalaan o sa katiwalian.

Kasabay nito ay nanawagan si Pangulong Duterte sa National Bureau of Investigation na magdoble kayod sa paghuli sa mga aniya’y “parasites” at “linta” na ito.

Inatasan din ni Pangulong Duterte ang NBI na dalhin sa kanyang opisina ang mga indibidwal na ito para kausapin sa panlolokong ginagawa ng mga ito.

Marami na aniya siyang sumbong na natatanggap hinggil dito at araw-araw ay may nahuhuli rin ang NBI na sangkot sa panloloko na ito.