Nakatakdang babalik si Pangulong Rodrigo Duterte sa Batangas sa susunod na Linggo.
Sinabi ni Sen. Bong Go, Lunes bibisita muli si Pangulong Duterte para kumustahin ang kalagayan ng mga pamilyang nasa evacuation centers.
Ayon kay Sen. Go, magdadala rin ng tulong si Pangulong Duterte para sa mga biktima ng kalamidad.
Magugunitang nito lamang Martes nang pumunta si Pangulong Duterte at nabigyan siya ng situation briefing sa Batangas Provincial Sports Complex.
Pinuri niya ang agarang tugon ng iba’t ibang ahensya kasabay ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Gayundin, iniutos ni Pangulong ang pagtatayo ng mas matatatag na evacuation centers sa mga lugar na madalas nasasalanta at dinadatnan ng sakuna.
Samantala, inihayag naman ni Executive Sec. Salvador Medialdea na may natukoy na silang tatlong ektaryang lupain sa Bauan, Batangas at pagdedesisyunan kung doon ililipat ang mga evacuees o mga paaralang kasalukuyang ginagamit na evacuation centers.