Isang panalo na lamang ang kailangan ng Brooklyn Nets upang tuluyang pumuwesto sila sa No. 7 spot sa NBA Eastern Conference.
Ito ay matapos na idispatsa nila kanina ang Cleveland Cavaliers sa iskor na 118-107.
Dahil dito isang panalo na lamang ang kailangan ng Brooklyn sa Lunes kung saan makakaharap nila ang Indiana Pacers para sa kanilang huling regular season games.
Manalo man o matalo, pasok na rin ang Brooklyn sa play-in tournament.
Kung sakaling pumwesto ang Nets sa No. 7 at mananalo muli sa Miyerkules uusad na sila sa NBA playoffs.
Sa game kanina bumida si Kevin Durant sa fourth quarter para kumamada sa kabuuang 36 big points.
Samantala kung matapos ang play-in tournament sa pagitan ng April 12 hanggang April 15, ang 2022 NBA playoffs ay aarangkada na sa April 16.
Habang ang Game 1 ng NBA Finals ay mangyayari sa June 2.