-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ng basketball supertar na si Kevin Durant na hindi pa rin siya makakapaglaro kahit magbabalik na sa susunod na buwan ang mga NBA games upang tapusin ang 2019-2020 season.

Ayon kay Durant, hindi pa siya handa sa matinding intensity lalo na ang tinamo niyang injury.

Kung maalala nagtamo ng punit sa kanyang Achilles tendon si Durant sa Game 5 ng 2019 NBA finals habang naglalaro sa Warriors kontra sa Raptors.

Ang 2-time NBA finals MVP ay lumipat na sa Brooklyn Nets sa halaga ng kontrata na $164 million.

Paliwanag ni Durant, bagamat gumaganda na ang kanyang training at gumagaling na rin siya sa injury hindi pa siya ready na magpakita sa NBA court.

Kamakailan lamang ang 31-anyos na si Durant ay kinapitan din ng coronavirus, pero gumaling na rin siya mula sa naturang sakit.