Hindi pa rin daw maintindihan ni Health Sec. Francisco Duque III kung ano ang nag-udyok sa ilang senador para manawagang magbitiw siya sa pwesto.
Ito’y kahit nasa gitna ng krisis sa coronavirus disease (COVID-19) ang bansa.
Iginiit ni Sec. Duque sa isang panayam, na isa ang Pilipinas sa mga estado na unang nagpataw ng travel ban sa China at ilang bahagi ng South Korea para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Pati na ang pagpapatupad ng lockdown ay isa rin daw sa mga hakbang na unang ginawa ng estado.
Dahil dito, hindi umano makita ng kalihim kung ano ang naging basehan ng mga senador na lumagda sa resolusyon para magbitiw siya bilang Health secretary.
Lalo na’t nakasaad din sa resolusyon na hindi umano naging epektibong lider si Sec. Duque ng DOH kontra sa COVID-19.