-- Advertisements --

Maluwag umanong tatanggapin ni Health Sec. Francisco Duque III ang resignation ni retired B/Gen. Ricardo Morales bilang presidente at chief executive officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sagot ito ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire nang tanungin sa reaksyon ng kagawaran sa pagbibitiw sa pwesto ni Morales.

“Sec. Duque understands the predicament of PhilHealth president and CEO (retired) B/Gen. Ricardo Morales. Alam nating lahat and he has announced it to everybody na mayroon siyang sakit. This is part of siguro yung magte-treatment siya and all, that’s why he decided that he will just resign.”

Ayon sa opisyal, kinikilala ni Duque ang naging kontribusyon ni Morales sa loob ng isang taong panunungkulan nito sa state-health insurance.

Ito’y sa gitna rin ng kanyang iniindang sakit na cancer.

“The secretary truly appreciates yung mga ginawa ni Pres. Morales specially that he has this illness pero during this pandemic, siya ay nagtrabaho ng maayos at naibigay naman ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa PhilHealth.”

Sa ngayon hinihintay pa raw ng DOH ang desisyon ng Office of the President sa inihaing resignation ng PhilHealth official.

Dawit ang pangalan ni Morales sa mga lumutang na issue kamakailan ukol sa lumalang katiwalian sa loob ng ahensya. Patuloy na lumalakad ang imbestigasyon ng Kamara at Senado rito.