-- Advertisements --

Isinusulong ng grupo ng mga pribadong ospital sa bansa ang pagpapatalsik sa pwesto ni Health Sec. Francisco Duque III.

Sa isang liham kay Pangulong Duterte sinabi ni Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. president Dr. Rustico Jimenez na kailangan nang palitan sa pwesto ang kasalukuyang kalihim ng DOH.

“We have high regard for him as one among our esteemed colleagues in the healthcare industry but he seems to be already so exhausted that there is need for a fresh blood and a fresh mind to lead the DOH and the PhilHealth,” ani Jimenez.

Ayon sa grupo, karapat-dapat umupo sa pwesto ng DOH secretary ang isang eksperto na may kakayahang tugunan ang mga issue ng kalusugan sa bansa.

Bukod sa posisyon ng Health department, dapat din daw palitan si Duque sa pagiging chairperson ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth)).

Saksi raw kasi dito ang 744 member hospitals ng grupo na hindi nakakatanggap ng maayos na trato mula sa PhilHealth sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM).

“Although some have already received their share, most however are now so financially drained as they are still waiting for the promised IRM.”