-- Advertisements --
Tinayak ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong sapat na supply ng pagkain ngayong nagsimula nang mag-stock ng mga instant noodles at canned goods ang mga Pilipino dahil sa nalalapit na implementasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay DTI Usec. Ruth Castello, sa ngayon ay maari pa rin namang bumili ng mas marami ang publiko, o dipende sa kung ano ang kayang dalhin pauwi ng mga ito.
Mayroon din aniyang pop-up store ang DTI kasama ang Department of Agriculture kung saan maaring bumili ang publiko ng mga frozen meat products.
Simula Agosto 6 hanggang 20, isasailalim sa ECQ ang National Capital Region dahil sa banta ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.