
Inirekomenda ni Department of Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual ang paglimita sa mga annual holiday sa Pilipinas ng hanggang sa sampo lamang.
Ito ay dahil na rin sa naging ‘issue’ na para sa business sector ang napakaraming Holidays sa Pilipinas.
Paliwanag ng kalihim, ang sampung Regular Holiday ay ang sinusunod din ng mga international organizations, katulad ng Asian Development Bank.
Kung mangyayari ito, malilimitahan na lamang ang mga Pilipino nang hanggang sa sampung Regular Holiday, at hindi na maisasama ang All Sant’s Day at New Year’s Eve, batay na rin sa rekomendasyon ng kalihim.
Sa kasalukuyan, mayroong sampung Regular Holiday sa Pilipinas, batay sa naging proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos noong nobyembre ng nakaraang taon. Kabilang dito ang New Year’s Day, Araw ng Kagitingan, Maundy Thursday, Good Friday, Labor Day, Independence Day, Heroes’ Day, Bonifacio Day, Christmas Day, at Rizal Day.
Gayunpaman, kinikilala pa rin bilang special non working holidays ang mga sumusunod, batay sa proklamasyon ni Pang. Marcos: Feb 25 bilang EDSA Anniversary, April 8 bilang Black saturday, Aug 21 bilang Ninoy Aquino Day, Nov 1 bilang All Saint’s Day, December 8 bilang Feast of the Immaculate Conception, at December 31 bilang New Year’s Eve. Kasama rin dito ang pagtatapos ng Ramadan para sa mga Muslim o mas kilala bilang Eid’l Fit’r.
Ayon sa kalihim, mas mataas ang kinakailangang bayaran ng mga business owners dahil sa mga Holidays dahil sa kailangan pa rin nilang magpatuloy ang operasyon.










