-- Advertisements --

Pinayuhan ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ang namumuno ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na harapin na lamang ang reklamong inihain ng mga empleyado ng ahensiya.

Nalaman lamang ng kalihim ang reklamo ng gisain ito ng mga mambabatas kasunod ng Commission on Appointments (CA) laban kay PEZA Director General Tereso Panga dahil sa pagsibak sa ilang empleyado.

Base sa reklamo na tinanggal ni Panga ang mga contractual employees habang inilagay sa floating status ang mga permanent employees at dinimote ang ilang mga matagal ng empleyado ng ahensiya na labag sa panuntunan ng civil service.

Tumatayong chairman ng PEZA board si Pascual at sinabi nitong walang kinalaman ang PEZA board sa reklamong kinakaharap ni Panga. Inatasan na rin ng kalihim ang ang PEZA head na magsumite ng written explanation ukol sa reklamo sa kaniya ng empleyado ng PEZA.