Nangangailangan ng dagdag na pondo ang Department of Trade and Industry para sa layunin nitong mas palawigin pa ang kapabilidad ng testing facilities ng ahensya sa mga vape products sa Philippine market.
Sa isang pahayag sinabi ni Trade Assistant Secretary Amanda Nogales na ang Isa sa kanilang mga attached agencies na Bureau of Philippine Standards ay mayroong laboratory sa Cavite na kanyang magsagawa ng testing sa mga vape device at batteries.
Kaugnay nito ay pinaplano rin ngayon ng ahensya na dagdag an pa ang kanilang mga testing facilities dahil an kung bakit kinakailangan nito ng dagdag na Php170-million na government funding.
Samantala, Sabi ng opiysal na si mula sa Hunyo 2024 ay hindi na mapapahintulutan pang makapasok sa bansa ang mga hindi sertipikadong vape products at heated tobacco products na hindi sumailalim sa kaukulang product certification.
Habang pagsapit naman ng Enero 2025 ay tatargetin naman ng DTI na inspeksyunin ang mga vape products sa merkado upang alamin kung may mga nakalusot pang mga hindi sertipikadong ganitong uri ng mga produkto.