-- Advertisements --
Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na suriin ang mga binibiling Christmas lights.
Ito ay matapos na makadiskubre sila na may mga ilang negosyante ang pinepeke ang mga sticker at logo ng ahensiya para makabenta ng mga Christmas lights.
Ayon sa DTI na dapat suriin nilang mabuti ang mga logo ganun din ang mga safety seal ng binibili nilang Christmas lights.
Hinikayat din nila ang publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina ang sinumang magpepeke ng nasabing logo.
Tiniyak din nila na mahaharap ang mga ito ng karampatang kaso.