-- Advertisements --

Maaring aprubahan na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang petisyon ng taas presyo ng mga iba’t-ibang manufacturers.

Ayon sa DTI na karamihan sa mga humirit ay ang basic commodities gaya ng bigas, sardinas, instant noodles, canned meat, kape, bottled water, asin at mga condiments.

Naglalaro sa P0.25 hanggang P7.25 ang hirit nilang taas presyo habang ang Pinoy tasty at Pinoy pandesal ay maaaring aprubahan ang pagtaas ng mula P2 hanggang P2.50.

Paliwanag pa ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na mula pa noong 2022 ay naghain na ng petisyon ng taas presyo ng mga manufacturers.