-- Advertisements --
image 241

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko sa pagbibigay ng monetary o in-kind support sa mga fraudsters at scammers na gumagamit ng pekeng solicitation permits para umano sa mga nangangailangang sektor.

Inisyu ng ahensiya ang naturang abiso kasunod ng reports na isang grupo na tinawag na Department for the Blinds Welfare of the Philippines, Inc. ay nagsasagawa ng public solicitation na gumagamit ng Certificate of Fund Raising na inisyu umano ng DSWD.

Sa naturang certificate, makikita ang pinekeng lagda ng dating DSWD Field Office III Director at ngayon ay Assistant Secretary Marites M. Maristela.

Ayon naman kay Maristela na ang paggamit ng pekeng Certificate of Fund Raising na gumagamit ng kaniyang pangalan ay iligal at hindi awtorisad at mariing itinnggi ang authenticity ng naturang certificate.

Top