-- Advertisements --

Bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa imbestigasyon ng Kamara hinggil sa delay sa pagpapahatid ng ayuda ng ahensya sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DSWD Usec. Glen Paje, ang imbestigasyon sa distribusyon ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program, na nakatakdang magsimula sa susunod na linggo, ay makakatulong sa ahensya para mapabuti ang kanilang pamamaraan sa pagpapahatid ng ayuda sa mga pamilyang apektado ng pandemic.

Sinabi ni Paje na marami silang inaasahan na mapupulot at matututunan sa imbestigasyon na ito, na itinuturing aniya nila bilang “constructive criticism”.

Aniya, humigit kumulang 17 million pamilya ang inaasahang makakatanggap ng cash subsidies sa second tranche ng programa.

Target ng DSWD na matapos ang pamamahagi ng cash subsidies na ito sa darating na Hunyo 25.

Mababatid na kamakailan lang ay inanunsyo ng DILG na sinimulan nang ipamigay ang cash aid noong Miyerkules, Hunyo 17, sa Benguet.