Nilinaw ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magkaiba ang bagong programa na WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP) sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Paliwanag ni DSWD Undersecretary for Innovations Eduardo Punay, ang food stamp program ay binuo upang matugunan ang kagutuman, lalo na sa mga mahihirap na pamilya sa buong bansa.
Ipinapatupad ito sa pamamagitan ng ibat ibang intervention, katulad ng pagbibigay ng food stamp, at tulong pinansyal.
Habang ang 4Ps ay binuo ng pamahalaan upang matulungan ang mga mahihirap na pamilya na mapag-aral ang kanilang mga anak, at mawakasan ang intergenerational poverty.
Ito ay nakapokus, ayon kay Used Punay, sa edukasyon ng mga bata
Ginawa ng opisyal ang paglilinaw upang bigyang diin ang pagkakaiba ng mga target na mabenepisyuhan sa ilalim ng dalawang programa na ipinapatupad ng kagawaran.
Ayon sa opisyal, may sinusunod silang mga patakaran sa ilalim ng dalawang programa, na siyang binuo ng mga eksperto ng DSWD, at nagsisilbing gabay para matukoy ang mga benepisyaryo.