-- Advertisements --

zambales1

Arestado ang isang drug personality sa ikinasang joint buy-bust operations ng PNP Zambales at Candelaria Municipal Police Stations sa pakikipag-ugnayan sa PDEA region 3, kahapon June 19,2021 sa may Purok-Kamote, Malabon, Candelaria, Zambales.

Ayon sa PNP Zambales matagal na nilang minamanmanan ang suspek at kahapon ay natiyempuhan na siya ng mga operatiba.

Kinilala ang nahuling drug personality na si Adolfo Echon alias Adol.

Nakuha sa posisyo ni Echon ang nasa .50 grams ng shabu.

Kasalukuyang nakakulong na sa Candelaria Municipal Police Station ang suspek habang hinahanda ang pagsasampa ng kaso laban dito .

zambales2