CENTRAL MINDANAO – Sugatan ang driver ng isang opisyal ng barangay sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Saudi Zacaria Dimalibda, driver ni Barangay Chairwoman Zoraida Mamafluba ng Barangay Kamasi, Ampatuan, Maguindanao.
Ligtas naman ang mga kasamahan ni Dimalibda na sakay ng Mitsubishi Montero.
Ayon kay Ampatuan chief of police Lt. Reynaldo Samson na habang papalabas ng national highway sa Barangay Kamasi sa bayan ng Ampatuan ang mga biktima ay bigla silang pinagbabaril ng mga sakay ng isang kotse gamit umano ang M16 armalite rifle.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.
Agad namang dinala sa pagamutan ang driver ang sugatan at nasa ligtas ng kalagayan.
Hindi naman lulan ng sasakyan si Chairwoman Zoraida Mamaluba dahil una na itong nakauwi sa kanyang tahanan na posibleng target sa pamamaril.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Ampatuan PNP sa naturang pangyayari.