-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang dalawang katao matapos na mawalan ng kontrol at makabangga ang isan van sa isang wing van truck sa Calauag, Quezon.

Kinilala ang binawian ng buhay na si alyas Sajad, 40-anyos, residente ng Indanan, Sulu na driver ng van, at ang pasahero nito na si alyas Danny, 60-anyos, residente ng Manila, habang sugatan naman ang driver ng wing van truck na si alyas Robert, 35-anyos, residente ng Barangay Pasong Kawayan, Gen Trias, Cavite at isa pang pasahero ng van si alyas Sunshine.

Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng van na minamaneho ni Sajad ang kahabaan ng nasabing kalsada patungo sa direksyon ng Maynila ng makabangga ito sa wing van na minamaneho naman ni Robert na patungo naman sa direksyon ng Bicol Region.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na dahil sa nangyari nagsapo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang mga katawan ang mga biktima na agad namang dinala sa pagamutan ngunit sa kasamaang palad ideklara ring dead-on-arrival ng doktor sina Alyas Sajad at Alyas Danny.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasambitan ng insidente.