-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Bay Area Dragons para makapasok sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.

Ito ay matapos talunin nila ang San Miguel Beermen 114-95 para makuha ang 2-0 na kalamangan sa kanilang best-of-five semifinals.

Nanguna sa panalo ng Dragons si Andrew Nicholson na nagtala ng 34 points at 16 rebounds.

Sa second quarter lamang umulan ng limang three points sa huling tatlong minuto para makuha ng Dragons ang 52-42 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Itinuturing ni Bay Area coach Brian Goorjian na ang matinding depensa nila ang siyang nagpanalo sa Dragons.

Nasayang naman ang nagawang 35 points ni June Mar Fajardo habang mayroong 15 points si Marcio Lassiter para sa Beermen.