-- Advertisements --

Aalis na umano sa serbisyo ng gobyerno pagkatapos ng mahigit 50 taon si Dr. Anthony Fauci.

Si Anthony Fauci, ang nangungunang dalubhasa sa nakakahawang mga sakit na naging mukha ng paglaban ng Amerika kontra sa COVID-19.

Bababa rin siya bilang tagapayo ni US President Joe Biden sa buwan ng Disyembre.

Sa magulong mga unang araw ng pandemya, si Fauci ang naging pinaka-pinagkakatiwalaang eksperto ng bansa sa COVID – kung saan nagkaroon pa sila ng tensiyon noon ni former US President Donald Trump dahil sa pagtugon sa virus.

Ang 81-anyos na nagsilbi sa ilalim ng pitong presidente simula kay Ronald Reagan, ay nagsabi sa isang pahayag na aalis siya sa kanyang posisyon bilang direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID), at chief medical advisor ni Biden.

Ngunit idinagdag niya: “Hindi siya magretiro.” Itutuloy lang niya ang susunod na kabanata ng kaniyang karera.”

Ipinaabot ni Biden ang kanyang “pinakamalalim na pasasalamat” kay Fauci sa isang pahayag sa White House, at idinagdag na ang bansa ay “mas malakas at mas malusog dahil sa kanya.”

Magugunitang, pinangunahan ni Fauci ang pagtugon ng Estados Unidos sa mga nakakahawang paglaganap ng sakit mula noong 1980s, mula sa HIV/AIDS hanggang sa COVID pandemic.