-- Advertisements --
image 218

Naglagay ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng multi-million worth booster pumps para tumulong sa pagtugon sa pagbaha sa mga lugar ng Tondo, Sta. Cruz at Quiapo sa lungsod ng Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na ang mga submersible axial pump ay inilagay upang mapataas ang discharge at carrying capacity ng Estero dela Reina at Estero de Quiapo, at mahusay na ilipat ang tubig palayo sa mga lugar na madaling maapektuhan.

Ayon sa ulat ni DPWH National Capital Region (NCR) Director Loreta Malaluan, ang proyekto sa kahabaan ng Estero dela Reina sa District 3, Sta. Cruz, Manila ang paglalagay ng apat na unit na submersible axial flow pump na bawat isa ay makakapaglabas ng one cubic meter ng tubig baha bawat segundo.

Ang pag-install ng mga booster pump ay kabilang sa mga priority project ng DPWH sa mga flood-prone areas ng Maynila.

Ang isa pang apat na unit ng submersible axial pump na may katulad na mga probisyon at discharge capacities ay inilagay din sa kahabaan ng Estero de Quiapo.

Sinabi ni DPWH North Manila District engineer Gerard Opulencia na ang mga natapos na flood-control projects ay inilaan ng P300 milyon bawat isa sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA).

Aniya, sasailalim sa full testing at commissioning ang mga pump bago i-turn over sa loob ng taon.