-- Advertisements --
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong araw ang pag-inspeksiyon sa mga lugar na tinamaan ng malakas na lindol na tumama sa Sarangani, Davao Occidental kahapon.
Sa isang statement, sinabi ng ahensya na isinasagawa na ang post-earthquake assessment sa mga gusali, kalsada at mga tulay na nakapagtala ng pinsala.
Nagpapatuloy rin ang inspeksiyon, assessment at paglalagay ng signages.
Nitong umaga ng Sabado, nakapagtala ang DPWH ng isang road section sa General Santos city na hindi madaanan dahil sa bump patungo sa Buayan Bridge sa may Buayan-Glan road sa Barangay Buayan.
Lahat naman aniya ng national roads at mga tulay sa iba pang apektadong rehiyon ay nadadaanan ng lahat ng uros ng sasakyan.