Nagkasundo na ang mga miyembro ng Department of Transportation-Technical Working Group (DOTr-TWG) na taasan ang bilang ng rider cap ng ride-hailing motor taxi na Angkas.
Ayon kay Antonio Gardiola ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na siyang chairman ng TWG, magkakaroon na 20,000 slots ang Angkas dahil hindi nagamit ng competitors nito na JoyRide at Move It ang inilaan sa kanila.
“Effective today, the unused cap will be redistributed for those ready providers,” ani Gatdula.
Kung maaalala, tinaasan ng TWG sa 45,000 ang rider cap sa Metro Manila para maghati-hati ang tatlong players.
Pero dahil hindi umano naabot ng dalawang kompanya ang 15,000 slots na inilaan sa kanila, ay papakinabangan na ito ng Angkas.
Magugunitang nagka-tensyon sa pagitan ng TWG at Angkas dahil sa unang plano nito na tapyasan ang rider cap ng kompanya sa Metro Manila.
“So the remaining cap, to meet that 45,000, will now be redistributed for those with ready drivers.”
Sa ngayon ang hatian sa rider cap ng tatlong players ay:
-Angkas: 20,000
-JoyRide: 15,000
-Move It: 6,409