Plano ng Department of Transportation (DOTr) na i-award ang mag natitira pang kontrata para sa Metro Manila Subway Project (MMSP) pagsapit ng unang kwarter ng 2024.
Ito ay upang lalo pang mapabilis ang roll out ng subway project ng naturang ahensiya.
Ayon sa DOTr, nakatakda na itong tanggapin at tuluyang buksan ang mga bid proposal para sa Contract Packages (CP) # 105, 108, at 109 sa ilalim ng Metro Manila Subway Project.
Ito ay nakatakda sa Nov. 6, 2023.
Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy John Batan, umaasa silang ma-appoints na ang mga contractors ng iba pang segment ng subway project sa unang kwarter ng susunod na taon.
Ang bawat kontrata, batay sa estimate ng DOTr, ay nagkakahalaga ng P10 billion hanggang p15 billion.
Ang Subway Project ng pamahalaan ay tinatayang aabot ng 33 kilometers at dadaan sa kahabaan ng pitong syudad sa Metro Manila.
Ito ay magsisimula sa Valenzuela City hanggang sa Pasay City, kung saan inaasahang bababa ang travel time ng hanggang 35 mins.
Inaasahan namang aabot ng hanggang 519,000 na pasahero ang maseserbisyuhan nito araw araw, sa sandaling maaari nang gamitin ng publiko.