-- Advertisements --

May inilaan ang Department of Transportation ng nasa 50 buses para magamit ng mga pasahero na apektado ng pagtigil ng operasyon ng Philippine National Railways.

Tinatayang nasa 25,000 na pasahero ang maapektuhan sa patigil ng operasyon na magsisimula ngayong Huwebes Santo ng PNR mula Governor Pascual station sa Malabon City patungo sa Tutuban at mula Tutuban patungo sa Alabang.

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, na maraming mga bus ang nabigyan nila ng permit para masakyan ng mga apektadong pasahero.

Magugunitang isinara ang PNR Metro Commuter Line para bigyang daan ang 147 kilometer na NSCR na biyahe mula Pampanga patungong Laguna.