-- Advertisements --

Binago ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay na mga train para sa mga mag-aaral.

Kung noong una ay inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang libreng sakay sa mga mag-aaral sa Metro Rail Transit line 3 o MRT-3, Philippine National Railways ay ngayon ay magiging libreng sakay lamang sa mga mag-aaral ay ang Light Rail Transit -2 o LRT-2.

Ayon kay Transportation Undersecretary Cesar Chavez, na ang PNR ay subsidized kaya minabuti nilang sa LRT-2 na lamang ang libreng sakay.

Paglilinaw nito na marami ng nagastos ang gobyerno dahil sa libreng sakay nitong nakaraang tatlong buwan.

Mas marami aniyang mga estudyanteng pasahero sa LRT-2 kaysa sa MRT-3 at PNR kaya ito ang kanilang napili na magsagawa ng libreng sakay.