-- Advertisements --
image 125

Binigyan na ng pahintulot ng Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board ang pamunuan ng NLEX para maningil ng dagdag toll fee simula bukas.

Ang panibagong bayarin ay para sa mga motorista na dumagamit ng Northern Luzon expressway – Southern Luzon Expressway Connector Project mula Caloocan hanggang Espana, Manila.

Katwiran ng DOTR, matagal nang libreng napapakinabangan ng mga motorista ang nasabing kalsada, dahil una pa itong binuksan noong Marso-29 at hanggang ngayon ay wala pang sinisingil na bayarin mula sa paggamit dito.

Batay sa inaprubahang bayad, simula bukas ay sisingilin na ang mga sasakyang nasa kategorya ng Class1 ng hanggang P86.

P215 naman para sa mga nasa ilalim ng Class2 habang P302 ang mga nasa Class 3.

Samantala, bubuksan naman ang nalalabing bahagi ng nasabing kalsada sa huling quarter ng kasalukuyang taon.