Hinimok ng Department of Tourism ang publiko na tangkilikin ang accredited tourism enterprises ng ahensiya kung nangangailangan ng accommodation, transportasyon at iba pang tourism-related services ngayong Semana Santa.
Sa pahayag ng ahensiya, makasisiguro umano ang publiko sa kalidad ng serbisyo ng mga akreditadong tourism services dahil nag-comply raw ito sa minimum standards ng ahensiya.
Pinayuhan din nito ang mga Pilipino na sa credible sources lamang kumuha ng impormasyon at mag-ingat sa mga unsolicited messages o offers na nambibiktima ng mga turista gaya na lamang ng pekeng akomodasyon, travel tickets, at vacation deals.
Maaaring bumisita sa link na ito para sa accredited hotels, travel agencies, tour operators, at iba pang tourism enterprises – https://beta.tourism.gov.ph/accreditations/#dot-accredited.